Hugot — 10 Signs He’s The One, Travel Edition

Sa panahon ngayon it's really hard to know kung sino nga ba iyong totoong nagmamahal o magmamahal sa iyo ng totoo.1 min


Sa panahon ngayon it's really hard to know kung sino nga ba iyong totoong nagmamahal o magmamahal sa iyo ng totoo. Bilang traveler marami kang nakakasama, nakakawentuhan kaya minsan hindi mo maiwasang ma-fall sa isang tao lalo na kung comfortable ka sa taong kasama mo. Here are some palatandaans kung he's the one na nga ba.

1. He wants to make memories with you.
Gusto niya lagi kayong may photos and videos sa mga lakad ninyo para pag tanda ninyo pwede ninyong balikan iyong masasayang alaala ninyo noong mga bata pa kayo.

2. He's happy to carry your bagahe.
Hindi mo man sabihin ayaw ka niyang nahihirapan sa bag mo na ang laman ay puro lang naman pagkain. Hindi mo na kailangan pang utusan pa, may kusa.

3. He wants you to meet his friends and hangout with them.
Proud siyang ipakilala ka sa mga kaibigan niya kaya gusto ka niyang sinasama sa lahat ng lakad niya o travels.

4. He lets you travel with your friends kahit na di siya kasama.
Okay lang sa kanya na sumama ka sa mga kaibigan mong magtravel kahit wala siya, kasi may tiwala siya sa iyo at hindi ka niya pagsusuotin ng kumot sa beach.

 5. He always asks permission from your parents if pwede ka bang isama.

May respeto sa parents mo, walang masamang intensyon kaya nagpapaalam o pinapaalam muna sa magulang mo na gusto ka niyang isama magtravel.

6. 50/50 ang hatian.
Hindi ka niya ililibre, hindi mo siya ililibre parehas kayong gagastos at parehas kayong maglalabas ng pera walang librihan kung baga.

7. If you feel like giving up, he’ll be the first person to encourage you.
Lagi siyang andiyan para suportahan ka sa lahat ng mga plans mo at lagi niyang pinapalakas ang loob mo kahit sa mga panahong malapit ka ng sumuko.

8. He always makes sure na may time siya sayo.
Kahit sobrang busy niya sa trabaho hinding hindi siya mawawalan ng time sa iyo kasi ikaw
ang priority niya.

9. He’s matured and knows how to handle things well. Hindi siya seloso.
Hindi siya OA magselos na tipong lahat ng kausap mo, ka chat mo, ka office mate at pati na rin boss mo pinagdududahan niya.

10. Meron kang privacy
Nirerespoto niya ang privacy mo hindi ka niya sinasakal or hinihigpitan alam niya kung hanggang saan lang ang lugar niya.

Ikaw nakita mo na ba ang the one mo? malay mo kasama mo lang pala siya lagi magtravel o mamundok nagaantayan lang pala talaga kayong umamin.


Like it? Share with your friends!

Comments

comments

Choose A Format
Story
Formatted Text with Embeds and Visuals
Video
Youtube, Vimeo or Vine Embeds