Hugot — Ayaw Niya ng Toblerone Gusto Niya Chocolate Hills

Dalhin mo siya sa lugar na kung saan ang tamis ng bawat sandali ay hindi magco-cause ng diabetes, sa lugar kung saan giginhawa ang kanyang pakiramdam at mawawala pan1 min


-1
1 share, -1 points
Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang kinikilig pa siya sa tsokolate mong dala tapos konting kiliti mo lang at matatamis na salita bigla na lang magiging "Kayo na".

Dear you, nagbabago ang panahon at nagbabago rin ang gusto ng mga tao, iba na ngayon. Hindi mo na pwede siyang idaan sa matatamis mong regalo para makamit ang kanyang matamis na oo. Oo, hindi mo na siya madadaan sa pagkain (unless matakaw talaga siya) o sa mga salita mong makapag damdamin.

Hindi na kasi nabubuhay ang tao sa mga materyal na bagay today dahil gusto na nila ng bago, iyong bagong makakapagpabago sa makaluma nilang feelings, iyong bago na babago sa bitter nilang damdamin, at iyong bago na magbibigay ng bagong meaning sa buhay nila.

Wag na wag mo siyang bigyan ng toblerone Dahil ang gusto niya’y Chocolate Hills.

Dalhin mo siya sa lugar na kung saan ang tamis ng bawat sandali ay hindi magco-cause ng diabetes, sa lugar kung saan giginhawa ang kanyang pakiramdam at mawawala pansamantala ang stress niya sa buhay. May gusto niya namnamin ang tamis ng bawat sandali ng buhay at mas ma-appreciate ka niya kung ikaw mismo ang magpapa-experience niyon sa kanya.

Iba kasi ang dulot ng magandang tanawin kasya sa masarap na pagkain (depende na lang kung gutom siya) mabubusog tayo sa matatamis na pagkain pero ilalabas lang naman natin pero ang matatamis na alaala hindi nayan mawawala. Kaya kung susuyuin mo siya siguraduhin mo na ang ibibigay mo ay nakakabusog na alaala at nkakapukaw damdamin, hindi nakakatabang pagkain.

Yayain mo siyang magtravel lalo na kung nagkakabohol-bohol na ang buhay niya, iparamdam mo na lagi ka lang nasa tabi niya hindi dahil hindi kayo ay hindi mo na siya pwedeng mahalin dahil ang tunay na nagmamahal walang label, ang tunay na nagmamahal ay magmamahal kahit hindi siya mahal ng taong mahal niya.

Hindi mahalaga kung wala kang maibigay na regalo dahil ang mahalaga lang may maibibigay kang pangako na di mo hindi mo siya sasaktan, iiwan, pababayaan at ipagpapalit sa iba. Hindi matutumbasan ng tamis ng tsokolate ang tamis ng tunay na pagmamahal at pag may tamis ng tunay na pagmamahal siguradong ang relasyon ay magtatagal.

Kaya kung ako sayo magbook ka na ng flight, yayain mo siyang magtravel at wag ng magpatumpiktumpik dahil ano mang oras mula ngayon tiyak may nagbabalak ng magbigay ng Chocolate Hills sa kanya, wag ka lang maging torpe sigurado sasama siya sa iyo dahil ang totoo hinihintay ka lang naman niya.


Like it? Share with your friends!

-1
1 share, -1 points

Comments

comments

Choose A Format
Story
Formatted Text with Embeds and Visuals
Video
Youtube, Vimeo or Vine Embeds